Bakit
ganon. Parang nahahati ang sarili ko tuwing kasama ko siya. Tila
isang parte ng kaluluwa ko nawawala sa akin. Tila isang parte ng puso
ko humihiwalay, at napupunta sa kanya. At parang nararamdaman ko din
ang nararamdaman niya. Para akong sinasakop ng makapangyarihan nyang
pagmamahal sa akin bilang isang kaibigan. Pagmamahal ? Yun na ba
yun ? Hindi ko talaga matalakay ang ganitong feeling pero tuwing
magkatabi kami, nakukumpleto namin ang isa't isa. At ito ang
nararamdaman ko ngayon, na katabi ko siya. Hindi ko mapaliwanag ng
mabuti pero ito talaga yun. Sa lalim ng pagiisip namin, nagparinig ng
malakas ang humaharing tahimik sa paligid. Pagmamahal. Umiikot sa
isipan ko ang salitang « pagmamahal ». Subalit kahit
kailan ni hindi ko pa naramdaman ang ganitong bagay. Hindi ko talaga
alam at hindi ko masasabi kung ano ito. Kadalasan tinatanong natin sa
sarili, « What is Love ? ». Ano nga ba ito.
Isang malalim na tanong na nangangailangan ng kasagutan. May
pinagkaiba ba ang pagmamahal bilang magkaibigan at ang totoong
pagmamahal ? Pwede ba itong pagsamahin ? Iisa lang ba 'to ?
Iba iba ang pananaw ng bawat tao sa salitang « pagmamahal ».
Iba ang paraan ng pagmamahalan nila Romeo at Juliet kaila Dingdong
Dantes at Marian Rivera. Iba ang nangyaring pagmamahalan na
napakasarap ng aking mga magulang, nung buhay pa ang aking ina, sa
pagmamahalan ng mga magulang ni Rizza na hindi naman rin tumagal. Iba
rin ang pagmamahal natin sa Poong Maykapal sa pagmamahal sa kapwa
natin. At hindi rin pareho ang pagmamahal natin sa ibang tao at ang
pagmamahal natin sa sarili. Ano nga ba ang tama at ano ang mali ?
Tama ba ang nararamdaman ko para kay Rizza, o wala ito sa lugar ?
Ito ba talaga ang pagmamahal ?
- Excerpt of Bus Stop
Aucun commentaire:
Enregistrer un commentaire